Poems

Poems

MAHAL KITA PILIPINAS
ni Ana Algabre Hernandez 

Mahal kita Pilipinas,
Sampu ng iyong kahinaan at lakas, 
Ng iyong tagumpay at lumbay, 
Ng iyong nakaraan at kasalukuyan.

Mahal kita Pilipinas,
Pangakong laban ay hindi bibitaw.
Ilalantad ang nagkukubling halimaw,
Itatanggol ang kaban na inaagaw.

Mahal kita Pilipinas 
Lilingapin ko ang liwanag 
sa dilim na sumusunggab,
Kaakibat ang sigaw na 
kapara ng batingaw
Na kay Bathala’y may basbas,
Nang sa gayon ay  walang pagal 
ang hiyaw na aalingawngaw !
Lilikha, gagawa, bibigkas—
Para Sa ‘yo, Pilipinas.
hanggang bukang liwayway 
Ay muli at muling mapukaw. 

Mahal kita Pilipinas, 
Ngayon, bukas at matapos pa ang bukas.

Bahaghari
Ni Ana Algabre Hernandez

Larawan mo’y gumitaw
Sa bahagharing tanaw,
Ikaw ang ngiting patunay,
Ang hiling na abot kamay.

Ikaw ang dagdag na kulay,
Ang matingkad na rosas,
Ang bakas ng magandang bukas
Sa bahagharing pito’ng taglay.

Ikaw ang bahagharing walang wakas
Na sa kaligiran ng aking diwa, nanahan.


MY GOLDEN SPRING
By Ana Algabre Hernandez

Though in my sanctuary at rest, 
Doors and windows burst.  
What arrogance it spurs,
This bizarrely unseasonal,
Chilly and blustery winter, 
Shooed my warm breezy summer!

In ground’s darkness, it brought a smell,
So pungent, hindering all senses,
Then suddenly, birthed to one cold and bitter,
Sense of loss, fear, and shatter,
Turning skies from pale to shades of silver,
I mourned.  

The darkest winter in modern history reigns.  
Though amidst treacherous snow that covers, 
Are quiet escapes of snowflake glitters.  
Yes, this is the time when the dead feel of winter 
Howled and snatched my fragrant summer,
but no, not, and never, 
my sweet, sweet, green, 
and golden Spring!

Ana’s Poetry

It is in my art and through my art that my spirit is freest and my voice is
loudest — I owe a lot to art, to poetry and painting with oils or acrylics.

“Let art into your life and your life become your art.”